Lilimitahan ng government service insurance system (GSIS) ang kanilang onsite operations kasunod ng muling pagpapatupad ng alert level 3 sa Metro Manila.
Kabilang sa mga serbisyong limitado ay ang Ecard enrollment at card releasing; cashiering; paglabas ng tseke; pagpapalabas ng clearance, mga sertipikasyon; pabahay at non-life insurance sa main site sa Pasay City maging sa iba pang mga sangay nito sa Mindanao Avenue, Quezon City, at Bulacan.
Ayon sa GSIS, magsisimula ang onsite services mula alas-8 ng umaga para sa kanilang kliyente hanggang alas-dose ng tanghali maliban lang sa cashiering na hanggang alas-tres ng hapon.
Samantala, nagpaalala naman sa publiko ang naturang ahensya na pansamantala munang gumamit o magbayad online at iba pang nakalista sa GSIS website. —sa panulat ni Angelica Doctolero