NABUWAG ng mga awtoridad ang isang drug den kung saan nasabat ang mahigit isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon sa Dinggin Bayan St., Brgy. Ibayo-Tipas, Taguig City.
Ayon kay Southern Police District o SPD Director BGen. Jimili Macaraeg, naaresto rin sa operasyon sina Nerilita Jumaquio, Jon-Jon Cajucom, Jobelle Cruz, Norudin Bandong, Raida Ali, at Crisanto San Jose na isang senior citizen.
Pinangunahan ng mga elemento ng District Drug Enforcement Unit o DDEU at Taguig PNP ang operasyon kung saan nakumpiska ang mahigit 1.3 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu, limang daang pisong buy bust money, isang shoulder bag, dalawang pouch, dalawang ID at dalawang timbangan.