Umabot na sa 50.5% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, naitala ang mataas na positivity rate noong biyernes at ito ang unang beses na lumampas sa 50% ang positivity rate sa National Capital Region.
Posible naman anyang maabot ang peak ng COVID cases anumang araw ngayong linggo sa Metro Manila kung babagal ang hawaan.
Gayunman, aminado si David na batay sa datos ay hindi bumabagal ang reproduction rate kaya’t may posibilidad na isailalim sa mas mahigpit na Alert level 4 ang Metro Manila.