Tatalakayin na ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasyong isailalim sa mas mahigpit na Alert level 4 ang Metro Manila bunsod ng hindi maawat na pagsipa ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año makaraang ihayag ng OCTA Research Group na lumampas na sa 50% ang positivity rate sa national capital region sa kauna-unahang pagkakataon.
Ayon kay Año, pag-uusapan nila sa IATF sa susunod na pulong ang nasabing rekomendasyon.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Alert level 3 hanggang sabado, January 15 ang Metro Manila, mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Mula sa additional 28,707 COVID cases kahapon, mahigit 16K rito ay matatagpuan sa NCR kaya’t lumundag sa 128,114 ang aktibong kaso sa bansa.