Isasapubliko ng department of Health (DOH) ang resulta ng genome sequencing sa sample ng isang Returning Overseas Filipino (ROF) na tumakas sa quarantine protocols sa isang Hotel sa Makati City upang dumalo sa isang party at kalauna’y nagpositibo sa COVID-19 makalipas ang ilang araw.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakuha na nila ang resulta ng isinagawang genome sequencing sa naturang quarantine violator pero patuloy arin itong biniberipika base sa RA 11332 at Data Privacy Act.
Sinabi pa ni Vergeire na maaari din na hindi na isiwalat ang nasabing impormasyon upang maprotektahan ang mamamayan. —sa panulat ni Angelica Doctolero