Inanunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO na may tapyas singil sila sa kuryente ngayong Enero.
Batay sa anunsyo ng MERALCO, nasa 0.07 sentimo ang tapyas sa kada kilowatt hour.
Dahil dito, mababawasan ng 15 piso ang monthly bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour.
Ang bawas singil ay bunsod na rin ng pagbaba sa presyo ng kanilang Generation charge. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)