Hindi paglabag sa karapatang-pantao ang pagpigil sa mga indibidwal na hindi pa nababakunahan na lumabas sa kanilang tahanan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing na bilang isang Human Rights Defender ay wala naman silang nakikitang paglabag dito.
Nasa National Public Health Emergency kasi ang pilipinas kaya ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapigilan ang hawaan na kadalasang biktima ay ang hindi pa nababakunahan.
Unang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagpapalabas sa mga hindi pa nababakunahan sa kanilang tahanan.
Habang dinagdagan pa ito ng utos na aarestuhin kung hindi susunod sa direktiba. —sa panulat ni Abigail Malanday