4 na buwan bago ang May 9 Elections, muli umanong nakaranas ang Commission on Elections ng Data Breach.
Batay sa ulat na lumabas sa Manila Bulletin kahapon, sinasabing “60 gigabytes” ng “sensitive voter information” at iba pang datos ang ninakaw ng mga hindi pa nakikilalang hacker.
Ang naturang insidente, kung saan nag-download ang mga hacker ng files kabilang ang mga username at pins ng vote-counting machines, ay naganap umano noong sabado.
Kabilang sa ninakaw umano ng hackers ang network diagrams, IP addresses, listahan ng privileged users, domain admin credentials, access sa ballot handling dashboard at QR code captures ng Bureau of Canvassers na may login at password.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, bineberipika na nila ang nasabing ulat.
Sa kabila nito, tiniyak ni Jimenez sa na hindi nakompromiso at wala namang epekto ang umano’y insidente sa halalan sa Mayo.