Nagpatupad na ng granular lockdown sa 64 na baranagay ang Pasay City government dahil sa pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Kabilang sa mga isinailalim sa granular lockdown ay ang barangay 1 hanggang 7, 14, 21, 23, 26, 32, 36, 38, 41, 43 hanggang 46, 58, 61, 63 hanggang 67, 74, hanggang 76, 94, 100, 108, 110 hanggang 113, 115, 122, 123, 127, 130, 133, 135 hanggang 137, 144, 145, 147, 148, 154, 156, 157, 166, 169, 171 hanggang 173, 182 hanggang 185, 188 hanggang 194, 197, at 201.
Ayon sa Pasay City LGUs, pinakamataas na bilang ng COVID-19 active cases ang brgy. 183 dahil sa 232 na nahawaan, 133 naman ang bilang ng tinamaan sa brgy. 201 habang 40 naman sa iba pang barangay.
Nagpaalala naman ang pamahalaang lokal sa mga hindi bakunadong residente na manatili nalang sa loob ng bahay dahil kanila lang papayagang lumabas ang mga essential personnel na, nagtatrabaho, mga bibili ng pagkain o gamot, may medical appointments, magpapabakuna, may passport appointments o iba pang appointments para sa serbisyo ng pamahalaan.
Papayagan ding makalabas ang mga fully-vaccinated persons, anuman ang kanilang edad para sa non-essential na dahilan tulad ng dining, shopping at panonood ng sine pero kinakailangang magpakita ng vaccination card at valid id bago pumasok sa kaukulang establisimyento.—sa panulat ni Angelica Doctolero