Nagpaalala sa publiko ang Chairperson Ng Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology (DOST) na si Dra. Nina Gloriani, kaugnay sa posibleng pagdami ng variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Gloriani, patuloy lamang tatamaan ng nakakahawang sakit ang publiko kung hindi mag-iingat at magpapabakuna ang isang indibidwal.
Sinabi ni Gloriani na ang pagmamatigas ng publiko na hindi magpabakuna ay magreresulta lamang sa pagdami ng variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Binigyang diin pa ni Gloriani na walang sinoman ang nais na magkasakit o mahawahan ng nakakahawang sakit kayat panatilihin parin ang pagsunod sa health protocols at pagbabakuna.—sa panulat ni Angelica Doctolero