Inalmahan ng grupong Alliance of Health Workers (AHW) ang planong iklian ang isolation at quarantine period ng mga medical frontliner na ma-e-expose at magpopositibo sa COVID-19.
Sa ilalim ng bagong polisiya ng Pamahalaan, mula sa 10 araw, pinaikli ang Quarantine period ng mga COVID-19 positive Health workers na asymptomatic at fully-vaccinated sa 5 araw at matapos nito ay maaari na silang bumalik sa trabaho.
Ayon kay AHW National President Robert Mendoza, kung 10 araw ang standard isolation o quarantine period, dapat ito ang sundin ng Health workers, sapagkat may posibilidad na makapanghawa sila ng virus.
Sa halip anya na paiksiin ang isolation period, dapat tugunan ng gobyerno ang kakulangan ng Healthcare workers sa mga ospital at benepisyo na kanilang kailangan.
Samantala, inihayag naman ni Presidential Adviser for COVID-19 response Vince Dizon na pinag-aaralan na rin nila kung ipatutupad ang mas maiksing quarantine sa iba pang indibidwal bukod. —sa panulat ni Mara Valle