Sinuspinde na rin ng ilang media entity ang kani-kanilang operasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Kabilang sa mga pansamantalang nagpatupad ng temporary suspension sa kanilang broadcast operations ang CNN Philippines at A2Z channel.
Ayon sa CNN Philippines, limitado lamang ang kanilang mga empleyado dahil sa implementasyon ng health protocols sa kanilang broadcast center sa Mandaluyong City.
Hinimok naman ng CNN ang kanilang viewers bisitahin na lamang ang kanilang digital at social media platforms habang magbabalik ang regular programming ngayong araw.
Pansamantala ring tigil-operasyon ang A2Z channel matapos mag-positibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang empleyado.