Sa gitna ng COVID-19 surge sa bansa, target ng Premier Volleyball League na magsagawa ng 3 conference season na magsisimula sa Pebrero.
Determinado ang PVL na simulan ang season nito sa Open Conference sa February 16 tampok ang 10 teams sa Paco Arena Events and Sports Center sa Maynila o Royale Tagaytay sa isang bubble setup.
Magugunitang ginanap ng liga ang Bubble Open Conference noong nakaraang taon kung saan ang Chery Tiggo ang namuno sa 10-Team Field.
Ayon kay PVL President Ricky Palou, tatakbo ang Open conference ng 3 buwan na may parehong Single round Robin Preliminaries habang 2 bagong koponan ang inaasahang sasali sa Liga.
Hinahangad din ng Sports Vision na ilunsad ang PVL Asian Invitational mula July 2 hanggang August 7 sa hindi pa natukoy na venue, kung saan iniimbitahan ang pambansang koponan at dalawang foreign squad.
Umaasa ang PVL na tapusin ang taon sa pamamagitan ng pagbabalik ng reinforced conference mula October 1 hanggang November 29.