Inabisuhan na ang mga Bar examinee na magsimula nang mag-self quarantine para sa paghahanda sa bar exam.
Ayon sa Supreme Court, ang mga examinee na magpopositibo sa COVID-19 ay hindi papapasukin sa mga local testing center para sa kanilang pagsusulit sa January 23 at 25.
Ang mga fully vaccinated examinee ay sasailalim sa Antigen test sa loob ng 48 oras bago ang January 23.
Samantala, ang mga hindi pa bakunadong examinee ay kailangan namang magpakita ng negative result ng kanilang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction Test (RT-PCR Test) na kinuha sa loob ng 72 oras bago ang unang araw ng pagsusulit. —sa panulat ni Mara Valle