Natanggap na ng Pilipinas ang karagdagang 168,000 na Janssen COVID-19 vaccine na donasyon ng American government.
Ang naturang mga bakuna ay binuo ng Johnson & Johnson, na dumating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminal 3 alas-kuwatro kahapon ng hapon na sinuri o pinag-aralan ng United Nations COVAX facility.
Ang mga bagong donasyong bakuna ay gagamitin sa inoculation rollout ng gobyerno sa gitna ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19.
Samantala, hinimok naman ni National Task Force Against COVID-19 Medical Consultant Dr. Ma. Paz Corrales na piliin ang available na bakuna upang maiwasan ang lumalalang bilang sa kaso ng nakakahawang sakit.
Layunin parin ng pamahalaan, na maabot ang target na 54 million fully vaccinated individuals.—sa panulat ni Angelica Doctolero