Umakyat sa 250% ang growth rate ng COVID-19 sa lungsod ng Bacolod.
Ayon kay Dr. Julius Drilon, tumaas rin sa 2.66 ang average daily attack rate ng COVID-19 sa siyudad.
Dahil dito, inaasahan na aniya nila na muling tataas ang mga kaso ng virus sa lugar.
Sinabi pa ni Drilon na karamihan sa mga pasyente sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ay nagpapakita ng mga moderate symptoms at karamihan rin aniya sa mga ito ay hindi bakunado.
May mga healthcare workers na rin aniyang tinamaan ng virus.
Kaugnay nito, hinikayat ni Drilon ang publiko na huwag balewalain ang banta ng virus partikular na ng Omicron variant.