Hindi inirerekomenda ng isang eksperto ang pagpapaiksi sa quarantine at isolation period ng mga edad 60 pataas at may comorbidites.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, ang maikling quarantine period ay mainam lamang sa mas batang populasyon na nakararanas lamang ng mild symptoms ng COVID-19.
Aniya, importante na malaman kung paano ipatutupad ang shorter quarantine period sa general population.
Sinabi pa ni Solante na ang pagsunod sa health protocols ang pinakainam na paraan upang muling bumaba ang mga kaso ng virus.