Umabot na sa 40,000 doses ng Covid-19 vaccines ang nasira dahil sa epektong idinulot ng bagyong Odette sa ilang probinsya sa Visayas at Mindanao.
Pero ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., maliit na porsyento lamang ito ng mga bakuna dahil nasa milyong doses pa ang kanilang hawak.
Karamihan ng nasayang na bakuna ay nagmula sa Caraga Region na pinakanaapektuhan ng bagyong Odette.
Nasa 6 milyong doses ng bakuna ang inilaan sa 6 na rehiyon sa bansa na naapektuhan ng bagyo. –Sa panulat ni Abby Malanday