Malapit nang maging predominante ang Omicron variant ng covid-19 sa Pilipinas kapalit ng delta variant.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, hindi na nakakagulat ang pagkalat ng omicron variant sa bansa dahil sa mataas na antas ng transmisyon nito.
Sa huling sample ng sequencing mula sa National Capital Region (NCR) at sa mga Returning Overseas Filipinos (ROFS), nakitaan ang omicron variant na pinakadominanteng variant.
Tinatayang nasa 43 kaso na ng omicron variant ang mayroon ang Pilipinas at 8,497 kaso ng delta variant. –Sa panulat ni Abby Malanday