Itinaas na rin ng Inter-Agency Task Force ang Alert level 3 sa 28 pang lugar, simula bukas, January 14 hanggang 31.
Ayon kay acting presidential spokesman karlo nograles, isasailalim sa alert level 3 ang mga lalawigan ng benguet, kalinga, abra, la union, ilocos norte, pangasinan;
Nueva Vizcaya, Isabela, Quirino, Nueva Ecija, Tarlac, Quezon Province, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Camarines Sur at Albay sa Luzon.
Sa Visayas naman, Alert level 3 rin sa Bacolod City, Aklan, Capiz, Antique, Cebu City, Mandaue City, Tacloban City;
Cagayan De Oro City, Davao City, Butuan City, Agusan Del Sur at Cotabato City sa Mindanao.
Mananatili naman ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite maging ang mga lungsod at lalawigan na hindi nabanggit sa kasalukuyang Alert Level Classification hanggang katapusan ng buwan.