Hindi na kailangang sumailalim sa test ang isang COVID-19-positive close contact basta’t asymptomatic.
Inihayag ng Department of Health na hindi na prayoridad ang contact tracing para sa virus transmission.
Nilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na “optional” na lamang ang testing para sa “Community-Level Actions.”
Sa halip anya na i-require ang testing para sa mga asymptomatic close contacts, inirerekomenda nilang i-monitor na lamang ang mga sintomas.
Gayunman, sakaling isailalim pa rin sa COVID-19 test, dapat itong isagawa 5 araw simula nang ma-expose sa sakit.