Nagpadala na ng missile system sa Syria ang Russia.
Ayon kay Russian Air Force Chief Col. General Viktor Bondarev, layon ng hakbang na ito na protektahan ang kanilang tropa na nakikipagbakbakan sa Syria.
Sinabi ni Bondarev na maaaring i-hijacked ng mga kalapit na bansa ng Syria ang kanilang fighter jets kayat mahalaga aniya ang pagkakaroon ng missile system.
Binigyang diin ni Bondarev na ailangan nilang maging handa anumang oras upang hindi maisahan ng mga kalaban sa Syria.
By Ralph Obina