Nagbabala si Pilipino Society and Development Advocates Commuter-Consumer (PASADA-CC) Spokesman Ric Rivera na posibleng sa mga colorum na sasakyan na lamang sumakay ang mga biyahero dahil sa ipinatupad na polisiyang “No Vaccination, No Ride” sa National Capital Region (NCR).
Aniya, ito’y dahil hindi sumusunod sa IATF protocols ang mga colorum vehicles na posibleng magdulot ng hawaan ng COVID-19 sa mga pasahero.
Samantala, sinabi ni rivera na nasa 12 libong colorum vehicles ang dumadaan sa mga lansangan.—sa panulat ni Airiam Sancho