Natitiyak na ang pagkapanalo ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kung ngayon isasagawa ang halalan sa probinsya ng Cavite matapos na makakuha ng 62% sa internal survey.
Malayong pumapangalawa lamang si Ping Lacson na mayroong 16% habang nasa ikatlong pwesto si Leni Robredo na mayroong 9%, 6% naman ang nakuha ni Isko Moreno at si Manny Pacquiao na may 4% sa resulta ng survey.
Ayon sa facebook page ni Cavite Governor Jonvic Remulla, ito’y isinagawa noong Disyembre a-1 hanggang a-5 na nilahukan ng 1,600 na respondent.
Sinabi pa ng Gobernador na naniniwala siyang mananalo sa pagkapangulo sa Halalan 2022 si Marcos.
Samantala, batay sa pinakahuling tala ng COMELEC noong 2019, ang Cavite ang pangalawa sa itinuturing na vote-rich province sa buong bansa na may mahigit dalawang milyong botante, pangalawa ang Cebu na mayroong mahigit tatlong milyong botante.
Matatandaang patuloy na nangunguna sa lahat ng survey ng mga respetadong kumpanya si Marcos at kaniyang ka-tandem na si Davao Mayor Inday Sara.