Nasa mahigit 100% na ang Bed Occupancy Rate sa mga Isolation, Quarantine at Treatment Facilities ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng Crame.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 dulot ng Omicron variant.
Sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander P/LT. Gen. Joselito Vera Cruz , karamihan sa isolation facilities sa bansa ay puno na dahil maraming na-aadmit na COVID patients.
Batay sa datos ng PNP Health Service, nasa 450 ang bagong kaso kung saan sumampa na sa 2, 262 ang active cases sa hanay ng PNP.
Lumampas na aniya sa Bed capacity ang Quarantine and Treatment Facilities ng Camp Crame.
Samantala, nakikipag-ugnayan na sila sa Local Government Units para ma-accomodate ang kanilang mga personnel sa kanilang facilities.