Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layuning gawing simple ang proseso ng pag-aampon ng bata.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11642 o Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act, noong Enero 6 at isinapubliko lamang kahapon.
Sa ilalim ng batas, i-re-re-organize ang Inter-Country Adoption Board (ICAB). Sa isang One-Stop Quasi-Judicial Agency sa Alternative Child Care o National Authority For Child Care (NACC) na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.
Ang Department of Budget and Management, sa pakikipag-unayan sa ICAB at DSWD ay babalangkas ng cohesive organizational structure na may kaakibat na plantilla positions na tutugon upang ipatupad ang mga tungkulin at divisions ng NACC.