Lumobo na sa mahigit 3,100 healthcare workers sa Metro Manila ang kasalukuyang nasa isolation sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang nasabing bilang ay 11% ng kabuuang 26,000 healthcare workers sa government institutions.
Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, nagkaroon ng re-infections o breakthrough ang mga healthcare worker dahil ang mga ito ang unang humaharap sa mga COVID-19 patient.
Dahil anya rito ay bumubuo na ng mga panibagong istratehiya ang ibang ospital, tulad ng pagsasara ng kanilang out patient department at special services.
Sa datos ng DOH, 56 percent na ng ICU Beds sa NCR ang okupado, habang 55% ng isolation beds ang kasalukuyang ginagamit.