Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na kumpiyansa siyang makakamit pa rin ng bansa ang growth target nito na 7-9% ngayong taon na paglago sa kabila ng mga muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Tiniyak ni Diokno sa mga Top Business Executives na ang sistema ng Banking sa bansa ay nananatiling maayos at may kakayahang harapin ang mga hamon na dulot ng pandemya gayundin ang inflation at pagbabago ng International Monetary policies.
Aniya, ang bansa ay may sapat na Cash buffer para sa mga External Shocks, Manageable Bad Debt Levels, pagbagal ng inflation at pagtaas ng pautang sa bangko. —sa panulat ni Mara Valle