Pumalo na sa mahigit 45,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y ayon sa PNP Health Service ay matapos madagdagan ng 548 na bagong kaso ngayong araw.
Dahil diyan ay umakyat na sa 3,766 ang bilang ng mga aktibong kaso sa hanay ng Pulisya.
May 44 na bagong gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 41,137 ang total recoveries Habang walang naitalang bagong nasawi kaya’t nananatili naman sa 125 ang kanilang death toll. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)