Mananatili ang Metro Manila kabilang ang iba pang lugar sa alert level 3 mula January 16 hanggang January 31.
Sa ilalim ng alert level 3, bukas ang ilang establisyimento sa 30% indoor capacity para sa mga fully vaccinated na indibidwal at 50% para sa outdoor capacity.
Bawal din sa ilalim ng nasabing alert level ang in-person classes, contact sports, funfairs o perya at casino.
Samantala, sa huling tala ng Philippine National Police (PNP), nasa higit tatlong daang (372) mga lugar sa bansa ang nasa ilalim ng granular lockdown. —sa panulat ni Airiam Sancho