Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na ang lahat ng COVID-19 quarantine at isolation facility sa loob ng Camp Crame ay nasa full capacity na.
Ito ang kinumpirma ni Police Lieutenant General Joselito Vera Cruz, Deputy Chief for Administration at Chairman ng Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF).
Ayon kay Vera Cruz, fully occupied na ang 287 kwarto sa Kiangan emergency treatment facility at iba pang pasilidad ngunit maaari pa ring i-accommodate sa pamamagitan ng room sharing lalo na sa mga pamilyang nahawaan ng COVID-19.
Sinabi rin ni Vera Cruz na hinihintay pa rin ng pnp ang pormal na patnubay mula sa Department Of Health (DOH) sa pinaikling isolation period para ma-decongest ang mga pasilidad.
Samantala, tiniyak naman ni Vera Cruz na hindi mahahadlangan ang operational capabilities at performance ng ahensya sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa mga kapulisan. —sa panulat ni Kim Gomez