Umaalma ang ilang mga drayber na hindi madali ang pagpapatupad ng “No Vaccination, No Ride” policy ng Department of Transportation (DOTr) simula sa Lunes, Enero 17.
Ayon sa ilang mga driver, na ang patakaran ay magdudulot ng abala sa mga pasahero at sa kanilang kita.
Samantala, sinabi ni DOTr Road Transport Sector Assistant Mark Steven Pastor na ang mga driver at operator ang maaaring maparusahan sa paglabag sa polisiya.
Ayon kay Pastor, aabot sa P1k hanggang P10K ang multa depende sa kung ilang beses nilabag ng mga driver at operator ang naturang patakaran.
Dagdag pa ni Pastor, maaaring masuspinde ang kanilang prangkisa depende sa bigat ng kasalanang nagawa.
Samantala, hindi naman maaaring parusahan ang mga pasahero sa paglabag sa public transport policy dahil wala sila sa saklaw ng department order no.2022-001 ng DOTr. —sa panulat ni Kim Gomez