Namamayagpag pa rin sa lahat ng surveys maging lokal man o pambansa si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. apat na buwan bago ang halalan.
Sa pinakabagong survey ng private polling firm na Actual and Comprehensive Evaluators, Inc. sa Caloocan, sigurado na rin ang panalo ni BBM kung ngayon gaganapin ang eleksiyon matapos makakuha ng 71% preference vote habang 49% naman ang nasungkit ng kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte ng Lakas-CMD.
Malayong nakabuntot kay Marcos sina Leni Robredo at Isko Moreno na parehong nakakuha ng tig-sampung porsiyento habang nakakuha naman ng limang porsiyento si Ping Lacson at dalawang porsiyento si Manny Pacquiao.
Nabatid na isinagawa ang survey mula Enero 6-10, taong kasalukuyan, sa 5,164 respondents.
Sa pagka-bise persidente, nakasikwat si Tito Sotto ng 34% na sinundan ni Willie Ong na may nine percent, Kiko Pangilinan na may fourt percent at tatlong porsiyento naman ang undecided.
Run-away winner sa mayoralty race si District 1 Rep. Dale “Along” Malapitan na may 65% habang nakakuha ng 32% ang kalabang si District 2 Rep. Egay Erice.
Ang ka-tandem ni Malapitan na si Karina Teh ay nanguna naman sa pagka-vice mayor na may 60% habang 32% ang nasungkit ni PJ Malonzo.
Nangingibabaw naman bilang kinatawan ng unang distrito si Mayor Oca Malapitan na may 80% votes habang 20% lamang ang nakuha ng katunggaling si Alou Nubla.
Samantala, double digit lead ang naibulsa ni Vice-Mayor Maca Asistio bilang 2nd district representative laban sa kapwa kandidatong si Obet Samson.