Tinatayang mahigit 800 loose firearms ang nasabat ng mga awtoridad sa Zamboanga Peninsula.
Ayon kay Regional Police Director Brig. Gen. Franco Simborio, ang Zamboanga City police ay nakarekober ng 245 na mga armas na sinundan ng Zamboanga del Sur, 284; Zamboanga del Norte, 178; Zamboanga Sibugay, 127, at Isabela City sa Basilan, 29.
Sinaksihan naman ng isang kinatawan mula sa Commission on Elections (COMELEC) ang pag-turnover ng mga baril.
Samantala, sinabi naman ni Regional Police Public Information Officer Maj. Shellamie Chang na ginawa ang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng loose firearms lalo na ngayong panahon ng eleksiyon.