Nasawi ang isang mag-ina matapos araruhin ng 10-wheeler truck ang kanilang bahay sa Barangay Antipolo, Pontevedra, Negros Occidental.
Kinilala ang mga biktima na sina JR Cordero at Ermie Cordero.
Kritikal naman ang truck driver na si Henry Salgado Sr. habang nagtamo ng minor injuries ang kanyang anak na lalaki.
Ayon kay Pontevedra acting police chief Capt. Hancel Lumandaz, patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente.