Pumalo sa mahigit dalawang milyon ang bilang ng mga manggagawang apektado ng bagyong Odette.
Batay sa rapid assessment ng International Labor Organization (ILO), pinakamatinding tinamaan ay mula sa Western Visayas na umabot sa 672K workers o 21% ng labor force na sinundan ng Central Visayas na 643K at Caraga na nasa 363K.
Halos 40% naman o katumbas ng 839K ng mga affected workers ay pawang mga babae.
Sa Western Visayas, sinasabing karamihan sa mga apektadong manggagawa ay mula sa mga sektor ng agrikultura, kalakalan at transportasyon.