Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang wanted na lalaki dahil sa pagkakasangkot sa kasong rape sa Las Piñas City.
Kinilala ang akusado na si Rommel Madriaga, 41 taong gulang, top 4 most wanted person ng Las Piñas PNP.
Si Madriaga ay nasakote sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Mildred Jacinto-Marquez ng Las Piñas Regional Trial Court, Branch 2.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.