NABATID na naibalik na ang serbisyo ng Converge sa San Antonio at Magallanes sa Makati City.
Ito’y makaraang maapektuhan ng fiber cuts bunsod ng ginagawang paghuhukay sa kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Bandang 12:47 a.m. ng January 14 nang maputol ang serbisyo ng telco at naibalik din ito ng 7:00 p.m.
Sinasabing daan-daang subscribers ng Converge ang naapektuhan ng fiber cuts sa kahabaan ng Pasong Tamo nang aksidenteng tamaan ng ginagawang paghuhukay ng DPWH ang kanilang optical fiber.
Dahil dito, agad namang nagtungo sa site ang teams ng kompanya para sa agarang pagbabalik ng kanilang serbisyo.