Nasabat ng mga pulis ang 680,000 pisong halaga ng shabu mula sa dalawang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City.
Arestado sina Marlon Mendoza, 25 anyos; at Paul Romeo Llacer, 26 anyos.
Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit 100 gramo ng shabu; 7,500 buy-bust money, isang sachet na may hindi pa matukoy na halaga ng white crystalline substance, isang black belt bag, at isang motorsiklo.
Sina Mendoza at Llacer, ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Kim Gomez