Namahagi ang Mandaluyong City LGU ng Covid-19 health recovery kits sa mga residente dahil sa dumaraming kaso ng tinatamaan ng Covid-19.
Ipinamahagi sa iba’t-ibang barangay ang mga recovery kit na malaking bahagi ng pagpapalakas ng programa sa lungsod para labanan ang pandemiya.
Ang naturang recovery kits ay naglalaman ng mga pangunahing gamot laban sa ibat-ibang uri ng sakit kabilang na ang ubo, sipon at trangkaso.
Bukod pa diyan, naglalaman din ito ng vitamin c, mentholated ointment, alcohol, face mask at towel para sa mga nakatatanda at mga bata na itinuturing na malaki ang posibilidad na makaranas ng mga sintomas na kahalintulad sa covid-19.
Layunin ng pamahalaang lokal na makapagbigay ng agarang lunas sa mga nagkakasakit at kahandaan naman ng bawat pamilya sa lungsod. –Sa panulat ni Angelica Doctolero