Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga pribadong kumpanya sa National Capital Region na sumunod sa pay rules sa holidays at special non-working days sa APEC Economic Leaders’ meeting sa Nobyembre 18 at 19.
Ayon kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, kailangang sumunod ang lahat ng mga employers sa ipinalabas na direktiba ng gobyerno.
Idineklara ni Pangulong Noynoy Aquino ang November 18 at 19 bilang Special Non-Working days sa Metro Manila dahil sa APEC summit.
Dahil dito, ang mga empleyadong magre-report sa araw na gaganapin ang summit ay makakatanggap ng 30 percent ng kanilang daily rate sa unang walong oras dagdag pa ang cost-of-living allowance.
Sa mga mag-o-overtime naman sa trabaho ay makakatanggap ng P98.44 kada oras para sa mga minimun wage earners.
Kapag natapat naman ang rest day/day off sa non-working days, makakatanggap pa rin ang mga empleyado ng karagdagang 50 percent sa kanilang arawang sahod sa unang walong oras at karagdagang 30 percent sa kada oras ng overtime work.
By: Mariboy Ysibido