Tinatayang P680,000 na halaga ng shabu ang narekober sa buy-bust operation ng Northern Police District at District Drug Enforcement Unit mula sa dalawang suspek sa Caloocan City.
Kinilala ang mga suspek na sina Paul Llacer, 26-anyos at Marlon Mendoza, 25-anyos.
Narekober din sa dalawa ang P7,500 na buy-bust money, isang sachet ng shabu, itim na belt bag at motorsiklo.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Mara Valle