Hinagupit ng tsunami ang Japan kasunod ng pagsabog ng isang underwater volcano malapit sa Pacific Island kahapon ng umaga.
Nag isyu ang Japan Meteorological Agency ng tsunami advisory para sa isang malawak na lugar sa eastern coast ng Japan mula Hokkaido hanggang Okinawa.
Base sa ulat ng Chichi-Jima sa Ogasawara Archipelago umabot sa taas na 1.2 m ang naitalang tsunami waves sa Amami Islands, habang sukat naman na 1.1 meters ang namataan sa Iwate Prefecture at 70 cm naman ang taas ng alon na naiulat sa Miyazaki Prefecture.
Ayon sa Fire and Disaster Management Agency hindi bababa sa 229,000 na mga residente ang lumikas.
Samantala, isa naman ang naitalang nasugatan sa paglikas sa Okinawa. —sa panulat ni Mara Valle