Mahigit 100 commuters na hindi bakunado ang pinababa sa mga Public Utility Vehicle sa unang araw ng implementasyon ‘No vaccination, no ride’ policy ng Department of Transportation sa Metro Manila.
Nagpakalat ang pamahalaan sa tulong ng PNP-HPG at I-ACT, ng mga tauhan sa mga pangunahing lansangan sa National Capital Region para mag-inspeksiyon kung sino ang mga lumalabag sa polisiya.
May ilan ding mga driver na sinita at pinatigil sa pamamasada matapos matuklasang hindi bakunado o kung hindi naman mayroon pa lamang isang dose ng vaccine.
Samantala, exempted naman ang mga mayroong medical conditions na may balidong rason, mga unvaccinated na bibili ng essential goods o services at mga patungo sa vaccination sites. —sa panulat ni Mara Valle