Hanggang sa makakaya ng PhilHealth, dapat nitong lawakan ang tulong para sa mga may mental at behavioral condition.
Ito ang inihayag ni Senator Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Health, makaraang igiit sa PhilHealth na bumuo sa lalong madaling panahon ng komprehensibong Mental health package.
Gawin anyang bahagi ng health package ang konsultasyon at iba pang outpatient services.
Hinikayat din ng Senador ang Department of Health na gawing accessible sa mas maraming Filipino ang mga gamot para sa mental health na lubhang mataas ang presyo.
Mahalaga anyang makarating sa mga malalayo at liblib na lugar ang katulad na serbisyo ng National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.
Ang panawagan ay kasunod ng pahayag ng mga eksperto na dumami at patuloy pang tumataas ang nagkakaroon ng depresyon at Mental health problem sa gitna ng pandemya.
Nahihirapan naman daw ang mga Mental health patients na ma-admit sa mga government at private na psychiatric facilities dahil sa dami ng requirements bukod sa malaki ang bayarin. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)