Dalawang tulak ng shabu ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District.
Kinilala ang mga suspek na sina Jean Claudine Concordia, alyas ‘J.C.’, 29- anyos at Francis Faustino, alyas ‘Kiko’, 49- anyos.
Ayon sa QCPD, isang Police Asset ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakip sina Concordia.
Narekober mula sa dalawa ang limang plastic sachet na naglalaman ng 32 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P236K at marked money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. —sa panulat ni Mara Valle