Target ng gobyerno na mabakunahan ang lahat ng mga botante bago sumapit ang eleksyon sa May 9.
Ito, ayon kay Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, ay sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pinabibilisan anya ang Vaccination rollout upang matiyak na protektado ang adult population na lalabas para bumoto.
Sa ngayon ay mahigit 55-M pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. —sa panulat ni Mara Valle