Hindi pa matatapos ang COVID-19 pandemic.
Ito babala ng World Health Organization (WHO) sa gitna ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases at mabilis na pagkalat ng Omicron variant.
Ayon kay WHO Director-General, Tedros Ghebreyesus dahil sa napakabilis na pagklat ng Omicron ay posibleng sumulpot ang mga panibagong variant.
Ipinanawagan naman ni Ghebreyesus ang pag-update sa mga COVID-19 vaccine bilang preparasyon sa posibleng pagsulpot ng mga bagong variant na maaaring mas nakahahawa o nakamamatay kumpara sa mga kasalukuyang strain.
Sa datos ng WHO, aabot na sa 331-M ang COVID-19 cases sa buong mundo kabilang ang nasa 5.5-M death toll.