Mahigit 1.7K pasahero ng PNR, MRT-3, LRT lines 1 at 2 ang hindi pinasakay makaraang hindi makapagpakita ng vaccination card kasabay ng ipinatutupad ‘No vaccine, no ride’ policy ng Department of Transportation.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways T.J. Batan, karamihan o nasa 1.2K sa mga pasaherong sinita ay sasakay sana ng MRT-3.
Sa halip na hulihin, binigyan lamang ng warning ang mga nasabing pasahero dahil sa kabiguang tumalima sa polisiya.
Magtatagal ang “no vaccination, no ride” policy sa Metro Manila hanggang sa pagtatapos ng Alert level 3 sa January 31, 2022.