Nagdeklara na ng critical level ang Ospital sa Muntinlupa (OsMun) matapos mapuno at umabot sa 108% ang bilang ng mga kamang nakalaan para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Dr. Edwin Dimatatac, physician sa Asian Hospital and Medical Center – Cardiac Catherization Laboratory sa Alabang Muntinlupa, mahigit 100 health care workers na ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan, karamihan ay nakakaranas ng mild at moderate cases.
Dagdag pa ni Dimatatac, hindi nila pinababalik agad ang mga health workers na patuloy paring nakakaranas ng sintomas kahit natapos na ang lima hanggang sampung araw ng kanilang quarantine.
Sinabi pa ni Dimatatac na bukod sa mga medical staff, marami rin silang pasyenteng tinutulungan sa pamamagitan ng telemedicine o online consultation.
Samantala, pinayuhan naman ni Dimatatac ang publiko na magpabakuna na konta COVID-19 para narin sa kaligtasan ng bawat isa. —sa panulat ni Angelica Doctolero